Kapag Tumibok ang Puso

Please Subscribe to read further chapters

Description

What will happen kung ang dalawang dakilang bakla ng SM High ay nauwi sa bangayan?

Foreword

warning: chaptered hehhehehe 

genre: crack!AU!highschool

rating: PG-13

note: 3rd tagalog fic ko na to hahahaha. paki-kalat na lang sa sangkatauhan na nagbabasa ng kyumin, wala na kasi ako twitter eh.

 


 

 

 

 

Recess noon.

Nagkalat ang terdjir at portjir sa canteen habang ninamnam nila ng trenta na minutos na break nila. Kanya-kanyang kandarapa sa iba't ibang sulok ng canteen sa pagkain ng baon nila, yung iba naman eh nagmamadaling mangopya at yung iba pilit na pinagsasabay ang nobena at pagrereview dahil after recess eh long quiz na.

Pero sa kabilang sulok ng canteen ay isang mabigat na aura ang pumapalibot sa mga portjir (teka, otornim bat portjir ka ng portjir eh fourth year kaya! SHHHH, malalaman mo sa susunod na kabanata). Paano ba naman sa dalawang magkatapat na lamesa eh dalawang kampo ang naglalaban. 

Sa unang lamesa ay ang kampo ni chubbybunny underscore mH4LdiTHa underscore minnie. Nakadekwatro pa ito habang nakataas ang shaved niyang eyebrows, ang mata niyang maganda ay nanlilisik sa isang bakla sa kabilang dako. Katabi niya ang all time dancer slash campus chickboy slash boyALPOMBRA na si Lee Hyukjae pero may screen name daw sya (na bukod sa boyALPOMBRA) na Eunhyuk. Silber daw sa ingles. Nainom ito ng dutchmill ng walang straw, living the thug life daw. Katabi naman ni mH4LdiTHa ang isa niyang kaibigan na itago na lang natin sa pangalan na PATATAZ. 

"'tol baka gusto mo magmadali magbalat ng patatas dyan. Trenta minutos lang ang brektaym naten."

"Baka naman ipahabol mo pang ipaprito yan dun sa masungit na canteener na si Wendy."

Simangot naman si boyPATATAZ. Akma naman siyang sasagot ng tumunog yung bell.

"Pota nalagot na di na naman ako nakakain ng recess sinabi na kasi kay mama na sa bahay na balatan 'tong patatas na to eh," pagmamaktol ni Donghae. Hihingin na sana niya yung natirang mamon ni mH4LdiTHa pero natigilan siya sa paparating na tao. Si Siwon. Si Siwon yung dakilang varsity player ng basketbol na nangliligaw kay tukmol.

Nga pala iisa lang si tukmol at mH4LdiTHa . mH4LdiTHa  sa umaga tukmol pag kaharap ang magulang, mas brusko kasi pag tukmol eh. Tutal brusko lang naman siya pagkaharap ang magulang. Itong kaibigan niya to na si mH4LdiTHa ay may kaaway na isa ding portjir at ayun kitang kita niya na habang papatayo na si mH4LdiTHa at bitbit ni Siwon yung lunchbox ni mH4LdiTHa habang hawak siya nito sa siko ay papalapit naman si pipit.

Si pipit yung kaaway ni mH4LdiTHa. Katabi nito yung boypren niyang pimpolin at yung ate niyang lumunok ata ng tablet ng kalandian. Kilala siya sa eskwela bilang, queenLandifa. Malamang malandi. Yung boypren nung pipit, ay kaya pala pipit tawag dun kasi matinis yung boses, boses palang alam mong juding na. 

Well, wala naman siyang kaso sa juding kaso nakakatakot sila magalit.

Etong boypren naman niyang pimpolin na mejo kulot kulot buhok nako nerd! Nerd sa math, sa science at sa Araling Panlipunan. Sige na, siya na memorized ang capitals ng buong mundo. Bigyan ng MilkTea! Kaso parang ginagawang alalay lang tsaka panay pa ang tingin niya dun sa kaibigan niyang si tukmol. Ano kaya binabalak nun?

Natigilan si Donghae sa mga naiisip niya ng makita niyang papalapit tong si pipit kay mH4LdiTHa. 

Ayan naaaaa face off!

Lumapit ito kay mH4LdiTHa at handa ng bubulong ng awatin ito ni Siwon pero tiningnan siya nito ng mataray na tingin kaya naman napausod na lang to sa gilid.

"Alam mo kanina habang pababa ako ng jeep, ang ganda na sana ng araw ko ng biglang napasigaw ako ng aray! Pa'no nauntog lang naman ako sa bubong ng jeep!" Pasambit ni pipit na halatang pinagmamalaki pa ang katangahan.

Sasagot na sana si Eunhyuk ng isang malakas na "HA-HA SINONG TA-NGA" pero may pahabol pa pala ang pipit.

"Ay, oo nga pala paano mo nga pala magegets eh pandak ka. Malamang never pa tumama ulo mo sa bubong!."

Okay hindi havey. Napakawaley. Pero kasi tong si mH4LdiTHa ay masyadong sensitive pag height ang usapan. Naiiyak siya agad kaya naman hinagod agad ni forever loving yours truly Siwon ang likod ni bebe. Hindi rin nagustuhan ni Donghae ang Hyukjae ang narinig nila. nako pagusapan na ang lahat wag lang ang height. 

Pero aba, aba may back up pala tong si mH4LdiTHa.

Ngumisi ito na nakakatakot at mukhang naramdaman ito ni pipit.

 

 

"Alam mo ang sweet naman pala ng boyfriend mo no," sabi ni mH4LdiTHa

 

 

Ay, kinilig si pipit sa sinabi ni mH4LdiTHa. Duh, kahit pimpolin yung boypren niya eh sweet naman talaga yu---

 

 

"Kasi nag-I Love You siya saken."

 

Boom! 

Natigilan ang lahat.

Ang mga estudyante ay napahinto.

Nahimatay si Siwon.

Nanlisik ang mga mata ni pipit sa boypren niya.

 

At ang huling halakhak ay na kay mH4LdiTHa.

Comments

You must be logged in to comment
clouds1004
#1
Chapter 12: BUHAY KA PA BDFHKG eneng ene kala ko inabandona mo na kami :<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<
tttham
#2
English please
jessabcm
#3
Chapter 11: bwiset kailangan nandito talaga si saging? hahahahahaha okay na eh charot!
Happy New Year!!!
kyuminsauce
#4
Chapter 11: ay wow ryowok wala ka pang balak sabihin nangyari kay sungmin. ipa crime scene investigation yan para makulong XDDDD
kyumin1115
#5
Chapter 11: Uy may cameo si Sungjin? Yaaaaassss! HAHAHAHAHA! Salamat sa pagupdate Polin! ❤️
Sichulbaby143 #6
Chapter 11: shet yung "Tangina mong Saging ka" at yung video na "si Sungmin at ang Saging" potangena eh HAHAAAAA hi ate polin~ di ko expected na mag u update ka pero thank you po! ^^ Si baby sungjin na yong lalaki sa gilid? HAHAHA
kyomen
#7
Chapter 11: HAHAHSHAHSHAHAHAHAHAHAHAHA k!ngina hahahahahahaa that "Tangina mong saging ka HAHAHAHAHAHAHA" at yung "Si Sungmin at ang tanginang saging" jusko laftrip yoko na HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA salamat sa update ate! napasaya at napatawa ako :-)
fxxxpxn #8
Chapter 11: Ay siomai, nalintikan na!! Hindibnanaman sila magkakasama purnada na naman si Kyuuu hahhaha. Hay tanginang saging hanggang dito may cameo hahhahah.
kyomen
#9
Chapter 10: HAHAHAHAHAHAHAHA yung ringtone putspa XD lol kyuhyun i feel you yoko ng ringtone hahahahahahaha
CHULelang
#10
Chapter 10: hahahahahahhahahaha yung Nata de Coco talaga eh xD Thanks pows sa update!! :)