Teasing Leads To Marriage

Description

 

 

 

Title: Teasing Leads To Marriage

Genre: Romance, Comedy and Gender Bender

Pairings: SooNa, SooFany, SooEun(Sooyoung&Stella Kim), YoonYul, YulSic and TaeNy

Short Note: I promise to a friend to make a SooNa & TaeNy & Yulsic gender bender story .. After too many unfinished fanfics finally I made perfect story for these 3 pairings .. Sorry for making you wait .. I promise , there will be an English version of this story when I'm fully recover .. I hope you enjoy this cutest fanfic I made ...

 

 

 

 

 

 

Foreword

 

 

"Ahjumma saan mo ba nilagay yung necklace na bigay ni appa?" tanong ni Yoona habang binubuksan lahat ng Drawer sa sideboard.

 

"Nandiyan lang yun, Young Miss."

 

"..Aigoo, malalate na ako." kinagat ni Yoona ang kanyang labi tsaka binilisan ang paghahanap. Maya-maya ay nakita niya ito at dali-daling sinuot habang nakatingin sa repleksyon niya mula sa Salamin. Aigoo, Aigoo! Ganda mo talaga, Yoona. Napangiti siya sa salamin habang sinusuklay ang kanyang buhok.

 

"Young miss, kailangan niyo pa ba ng tulong?"

 

"Aniyo..." isasara na niya sana ang Drawer nang may mahawakan siya. Isang laruan na sing-sing na may Rilakkuma. Pilit niyang inaalala kung saan niya nakuha ang sing-sing na ito...

 

 "Hay, ang boring naman nito. Ayuko na magpriest." reklamo ng batang naka-bowl-haircut habang nakabusangot ang mukha.

 

"Yah! Kim Taeyeon-ah ikasal mo kami." sigaw ng batang naka jumper shorts habang nagta-thumb habang ang isang kamay naman nakahawak sa kamay ng batang babae na may ma-among mukha sa tabi niya.

 

"..Yuri-yah, ikaw nalang mag priest hindi na ako sasali sa laro." tinalikuran ng batang Taeyeon ang apat niyang kaibigan tsaka bumaba sa stage habang nakatingin sa di kalayuan kung saan nagbabasa ng libro ang isang Dalaga.

 

"Gusto ko ring bearer parin ako, Taeyeon-ah.." ani ng batang nakasnap backs habang tinatago ang dalawang sing-sing na Rilakkuma sa bulsa niya. "Ikaw nalang kasi mukha ka namang Priest." tinutukoy nito ang mabait niyang mukha pero hindi pinansin ng batang naka-bowl-haircut ang sinabi niya.

 

"Noona!!" sigaw ng batang Sooyoung habang tumatakbo papunta kay Boa na kasulukuyang nasa Bench. Nang hindi siya pinansin ng babaeng nagdadalaga ay napapout siya habang hinihila uniform nito para makuha atensyon niya. Agad naman itong ngumiti sa kanya tsaka niyakap ang batang naka jumper shorts. "... Boa noona."

 

"Awww, bakit Syoong?" tanong ni Boa habang hinahawakan ang pisngi ng batang naka jumper shorts. Maya-maya ay lumapit rin ang apat na bata na kasing edad niya. Tiningnan nito ang itsura ng batang babae na may maamong mukha papunta sa isa pang batang babae na abala sa pagkain ng Lolipop.

 

"Ayaw ni Taeyeon-ah ikasal kami, noona." pagsusumbong nito habang tinuturo ang batang naka-bowl-haircut tsaka muling nagthumb .

 

"Boa noona, ayuko mag priest. Liligawan kita paglaki ko." seryosong wika ng batang Taeyeon.

 

"Awww.. Little Taeyeon, laro lang naman yan ehh." nakangiting wika ni Boa habang inaayos ang bangs ng batang naka-bowl-haircut tsaka pinisil ang ilong nito. Halatang hindi sineryoso ang sinabi ng bata. Binigyan niya ng Lolipop ang batang naka jumper short para tumahan ito at tumigil sa pag sipsip ng kanyang hinlalaki.

 

"Sige na nga.." napipilitang wika ng batang Taeyeon tsaka tumakbo ulit papunta sa stage.  Agad naman sumunod ang dalawang bata na magkahawak kamay. Ngumiti muna ang dalawang bata na si Yuri at Tiffany kay Boa bago sumunod sa dalawang bata. Hindi niya mapigilang mapangiti habang pinapanuod niya ang ito maglaro. Maya-maya ay nang maging ok ang lahat ay binaling niya ulit sa kanyang libro ang kanyang atensyon.

 

".. Yoongie." sambit ng batang Sooyoung habang nakatitig sa mga mata ng batang babae at binigay niya rito ang lolipop na binigay ng kanyang pinsan, hindi nagdalawang isip tanggapin ito ng batang babae tsaka kinain ito. Akma'y magtathumb ulit ang batang Sooyoung nang pigilan siya ng batang babae tsaka binigay ulit sa kanya ang lolipop na galing sa bibig niya. "Y.. Yah!"

 

"D.. D.. Dirty, Dooyoungie." halos hirap pa magsalita ang batang babae kahit na 4years old na ito. Sinubo ng batang babae ang lolipop sa bibig nito.

 

"Ahh.. Hehe!" tinago ng batang Sooyoung ang kanyang mga kamay sa likod niya. Sinimulan na ni Taeyeon ang laro nila, isang pekeng kasal.

 

"Ako si Soo, nangangakong ishi-share kay Yoongie lahat ng pagkain ko at hindi ko nakakawin ang kanyang pagkain. Mahal si Yoongie, kahit bulol siya." sinuot ni Sooyoung ang sing-sing na Rilakkuma sa kanyang sarili daliri.

 

"Nakita ko sa TV dapat kay Yoona mo isusuot ang sing-sing." ani ng batang Tiffany habang kinukuha ang sing-sing sa maliit na daliri ni Sooyoung. Agad naman siya tiningnan ng masama ni Sooyoung kaya sinuli niya ang sing-sing sa kamay nito. Hinawakan niya kamay ni Yoona tsaka nilagay ito sa payat na daliri ng batang babae.

 

"I.. I.. A.. Ako Yoongie, n.. n.. nangangakong hindi magagalit pag kinuha niya pagkain ko.." nilagay ng batang Yoona ang sing-sing sa kamay ng batang naka jumper shorts.

 

"Yeppu! Yeppu!!" masiglang wika ng batang naka jumper shorts habang nakatingin sa daliri. Bumingisngis ito sa batang babae.

 

"You may now kiss the Shikshin." ngumiti si ang batang naka-bowl-haircut. Kahit alam nila na laro lang ito ay hindi nila mapigilan kiligin ng halikan ng batang naka jumper shorts ang batang babae sa pisngi habang kinakain nito ang Candy na parang bouquet na flowers.

 

"Awww... Ang cute naman ng young couple ohh." komento ni Boa. Tumakbo ang batang naka jumper shorts patungo kay Boa tsaka binuhat siya ito. Ilang minuto ang nakalipas nakatulog na ito sa yakap ni Boa habang nagta-thumb . "Tapos na ang paglalaro kids uwi na kayo." bago pa man makatakbo ang batang babae ay pinigilan siya ni Boa. "Kayo ha.." 

 

"A.. A.. U.. U... Unnie!"

 

Hanggang ngayon ay natatawa parin si Yoona sa twing naalala niya ang kanyang Childhood Lover. Halos hindi na nga niya maalala ang itsura nito sa sobrang tagal. Nang mag Middle School na kasi ito ay lumipat na ito sa Japan. At hindi na sila muling nagkita pa, hindi na niya ito hinanap dahil malabo na silang magkita. Pareho pa silang nasa Kindergarten nang yayain siya nitong magpakasal.

 

Nasaan na kaya siya? Married na kaya siya?

 

"Young Miss," halos napalundag siya sa sobrang pagkagulat agad niyang itong tinago niya sa drawer bago pa man makapasok ang isa sa maids niya tsaka naglakad palabas ng kwarto niya.

 

 

Wish I'd never grown up.

 

 

 

 

 

Comments

You must be logged in to comment
superstarrrr
#1
Teka teka... Was just wondering, ikaw ba yung may ganitong story sa wattpad? :D nakasave yan sa wattpad lib ko eh :D
SY-YoonSicaKpopper #2
pls update english version
nyonyo3012 #3
Chapter 9: I dont understand even if i translate this story.. :(
Can you update the english version as soon as possible? I reallllly love soona~ and i really wanna read this story..
Thankyou authorsshiiii... :))
snsd_hearteu #4
yung iba pong couples?
BOD-COD #5
i try to read this story ... but i don't understand. google translate can't help me too.

my last hope is your kind to make english version soon.

thanks
A_Deewaggie
#6
Chapter 4: Anong nangyayari sa sa otp ko?? Mukhang malabo ang pagmamahalan nila ahhh
shikshinhot24
#7
<3 <3 <3 <3 daebak!JJANG!