The Familiar Touch

Description

 

 

 

Title: The Familiar Touch

Genre: Romance Comedy and Gender Bender

Pairings: SooNa, TaeNy, YulSic

Main Characters: Sooyoung and Yoona

 

 

 

Foreword

 

 

 

"Bro, nakita niyo ba yung lady umpire kanina? Grabe, ang ganda!" masiglang wika ni Taeyeon sa dalawa niyang kaibigan.

 

"Diba may Tiffany Hwang ka na?" taas-baba ang kilay ni Yuri habang tinatanong niya ito.

 

"Si Tiffany ay si Tiffany. Hindi ko iiwan yun kahit anung mangyari. Sila hinahangaan ko lang. Hanggang doon lang yun." siniko ni Taeyeon ang tagiliran ni Sooyoung na kasulukuyan ay tahimik at nagprapractise sa paghampas ng Basebat na hawak nito. Halatang hindi ito nakikinig sa kanila tila may iniisip ito. Hinawakan ni Yuri ang basebat para awatin si Sooyoung.

 

"Bro, are you with us?" nakangiting tanong ni Yuri. Tumango lang ito bilang sagot tsaka nagpatuloy sa pagprapractise ng pag hampas ng basebat. Isa kasi itong Athlete of the Year nung nakaraang taon kaya naprepressure ito para sa parating na Tournament. Isa naman siyang Cardiologist sa sarili nilang hospital.

 

"Oppa!!" sigaw ng isang dalaga. Halos sabay-sabay silang napalingon sa may ari ng boses. Halos malaglag ang panga ni Taeyeon nang makita niya ang babaeng nakangiti sa kanila. Mukhang pamilyar sa kanya ang babae ngunit hindi niya matandaan kung saan niya ito nakita.

 

"Yoong!" nakangiting binuksan ni Yuri ang kanyang mga braso, para salubongin ito ng yakap. Tuwang napatakbo ang dalaga papunta sa kanilang tatlo at niyakap ng napakahigpit si Sooyoung. Bakas sa mukha ni Sooyoung ang pagkagulat at dahilan para mabitawan niya ang kanyang hawak na basebat. Tiningnan niya si Yuri na animo'y humihingi siya ng tulong.

 

"Yoona, hindi mo ba namimiss si Oppa?" binawi ni Yuri si Yoona mula kay Sooyoung. Tsaka nagyakap ang dalawa.

 

"Ikaw ba yan Yoona?" hindi makapaniwalang tanong ni Taeyeon sa dalaga. Highschool lang silang tatlo ng makilala nila ang kababatang kapatid ng bestfriend niyang si Yuri at siya naman ay nasa 9th Grade pa lang ng Middle School. Wala pa itong appeal noon, ngunit ngayon ay marunong na itong mag ayos. Lumaki itong maganda na para ba itong Anghel na bumaba sa lupa.

 

"Tae oppa." nakangiting wika ni Yoona at niyakap din ito.

 

"Wow, Yoona ang ganda mo na hah." nakangiting wika ni Taeyeon. Nang marinig niya tumikhim si Yuri ay agad niyang binitawan si Yoona.

 

"Yoong, sana nagpasundo ka sa amin." may halong tampo sa tnig ni Yuri.

 

"Oppa, gusto ko kasi surprise." malambing na wika ni Yoona tsaka niyakap niya ang kanyang nakakatandang kapatid.

 

"Sooyoung, isa lang ang pakiusap ko sa iyo.." seryosong wika ni Yuri.

 

"Ano?" sumandal si Sooyoung sa pader.

 

"Wag mong liligawan si Yoona..."

 

 

 

 

 

Comments

You must be logged in to comment
superstarrrr
#1
FINALLY FILIPINO FIC XD <3 SOONA FILIPINO FIC. O U O ITULOY MO TOH. NAKAKAEXCITE PROMISE :D
Amemita #2
Maganda po yung story tuloy nyo po :)