I Fell In Love With A Beautiful Stranger

Description

 

 

 

From Girls' Generation's 2011 Album 'Beautiful Stranger'

This is a Gender-Bender story

So I hope you will like this one.

This would be my last Fanfic.

Since Im too lazy to update.

 

 

 

 

Foreword

 

 

 

I FELL IN LOVE WITH A BEAUTIFUL STRANGER

 

Abalang-abala ako nang araw na yun, masayang-masaya akong kumukuha ng litrato. Kung anu-ano nalang ang kinukunan ko ng mga oras na yun, mga bulaklak, halaman, ang mga street stalls, mga batang tumatawid sa kalsada, mga Turistang naglalakad sa sidewalk, mga magkasintahang magkahawak-kamay at madami pa. Hawak-hawak ko ang aking SLR habang nakatitig sa malaking puno ng Cherry Blossom. Nang makahanap ako ng magandang anggulo ay agad kong tinutok ang Camera ko sa malaking punuan ng Cherry Blossom. Sa sobrang tuwa ko ay hindi ko napansin na may babaeng dumaan sa harap ko. Nakaramdam ako ng iritasyon nang mga oras na yun kaya agad ko siyang tiningnan nang masama, hinintay ko siyang tumingin sa direksyon ko. Ngunit hindi ko inaasahan ang naging reaksyon ko ng mga oras na yun. Bumilis tibok ng puso ko, habang nakatitig ako sa kanyang mukha. Nabitawan ko ang akin SLR pero buti nalang may strap ito kaya hindi ito nalaglag. Nagsimulang lumukso ang aking puso nang makita kong ngumiti ito sa akin habang yumuyuko.

 

"Mianhaeyo." simpleng wika nito.

 

"........." gusto ko mang sumagot ngunit umuurong aking dila.

 

"Pasensya na po talaga hindi ko talaga ikaw napansin. Nagmamadali kasi ako." nagsimula itong yumuko ng ilang beses.

 

"...O..O..Ok..Ok lang." nauutal kong wika.

 

"Sigurado ka ba?" tanong niya ulit.

 

"...O..O..Oo."

 

"Gusto ko sanang bumawi sa iyo, ngunit nagmamadali talaga ako ngayon." ngumiti uli ang estranghera.

 

"...O..Ok s...sige" pilit din akong ngumiti sa kanya.

 

Yumuko ito sa huling pagkakataon tsaka tumakbo ito papalayo sa akin. Hinatid ko naman siya nang tingin hanggang mawala ito sa aking paningin. Nanatili parin akong nakatingin sa kawalan kahit wala na ito. Maya-maya ay dumating na rin ang sa wakas ang bestfriend ko. Agad niya akong kinulit kong ano ang nangyari ngunit nahihiya akong ibahagi ito sa kanya kaya umiling nalang ako tsaka naglakad papunta sa kotse. Nang madaanan ko ng tingin ang screen ng SLR ko ay nakita ko nanaman ang pinaka-magandang estranghera. Awtomatiko nanaman akong napangiti.

 

 

 

 

 

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet