JEALOUS KAI?

EXO's Love Confession

 


 

Hohoho. Eto na, Monday na. Hindi ko na mapiligilan ang aking umaatikabong na damdamin. ( nosebleed)

 

 

"ano ba. Ang higpit masyado ng kapit mo!" reklamo ni Kris.

 

 

"ehehe. Sorry" niluwagan ko naman ang pagkapit sa maputing polo ni Kris "Kris! Kris! Bilisan mo! Malapit na tayo ma-late!" hinila-hila ko yung damit nya.

 

 

 

"ay putangina. Wag kang malikot!" sigaw nya. Napayakap ako ng di oras. Muntik na kami matumba dahil sa katangahan ko. Masisisi nyo ba ko. Excited ako. Anyway highway, naka-bike kami ni Kris ngayon papuntang school. Naka-angkas ako sa kanya. Pareho kaming anong oras na nakabangon kaya sabay na kami pagpasok. Iniwanan kami nila Minseok. Malapit na kaming ma-late *derp face*

 

Pagdating sa school, walang mga pan gerls na nakaabang. Wow. So new. Late na late na kami eh. Hahahahahaha. Pumunta kami sa guidance (kay matandang gurang) para kumuha ng late slip.

 

 

"next time, gumising ng maaga para hindi ma-late. Sige na" sabi nya at lumabas na kami.


 

Dumiretso na kami sa classroom at nagsisimula na nga ang klase. Inabot namin ni Kris ang mga late slip namin at pumunta na sa mga upuan namin. Dun ako umupo sa gitna ni Zico at Krystal. Wala, wala akong magagawa, dito ako pinwesto eh.

 

 

"psst. Ano nang diniscuss nyo?" tanong ko kay Zico. Hindi naman kasi kami close ni Krystal, pero hindi din naman kami close ni Zico. Medyo lang.

 

 

"bakit kasi ngayon ka lang baby?" pwedeng manampal.

 

 

"tatanong ko na lang pala kila Baekhyun mamaya" tinuon ko na ang atensyon ko sa unahan. Alam kong wala akong mapapalang matino dyan kay Zico.


 

Pagkatapos nang napakahaba at akala ko'y wala nang katapusang discussion, recess na rin. SA WAKAS.

 

 

"Baekhyuuuuun~!" pagka-ring na pagka-ring ng bell si Baekhyun agad ang tinawag ko.

 

 

"bakit?"

 

 

"pasuntok" nag-smirk ako. Gusto kong man-trip bigla.

 

 

Nag-poker face ang bakla at nag-walk out.

 

 

"Cheeeennnyyy~~~~" lumapit ang kumakantang si Jongdae at umakbay nanaman sakin.

 

 

"anong problema mo?" tanong ko habang nakasimangot.

 

 

"wala. Ang ganda mo kasi ngayon eh. Ngayon lang"

 

 

*pok*

 

Sinapok ko nga.

 

 

"gago ka. Tigilan mo ko" inirapan ko sya at pumunta sa labas ng classroom. Napatigil ako lang ako sa paglalakad nang mahagip ng mata ko ang lalaking matagal ko nang gusto/crush. . Napa-atras ako at bumalik sa loob ng classroom.

 

*hinga ng malalim* Pumapasok na sya! Omfg. KIM MYUNG SOO! Naiiyak ako teka. Ilang linggo ko na syang di nakikita eh.

 

 

"anong ginagawa mo? Para kang tanga" napatingin ako kay Kris na kasalukuyang suot ang kanyang peymus face. Magsama sila ni Sehun.

 

 

"mind your own business" dumila ako at sumilip sa labas ng classroom. Jusko jugigo. Matagal na din mula nung tumibok nang ganto kabilis ang puso ko dahil sa kanya.

 

 

"tara na sa leisure room! Gutom na ko!" sigaw ni Minseok habang nag-uunat.

 

 

"nagpapa-deliver pa nga lang kasi sila Sehun. Wag kang atat" banat ni Jongdae.

 

 

"hindi na talaga tayo pupunta sa cafeteria forever?" tanong ko at nag-puppy eyes. Andun na kasi si Myunggie. Pumapasok na sya. Ibig sabihin, lagi na syang nasa cafeteria. HUHUHUHUHUHUHU.

 

 

"di talaga to nag-iisip" -Kris

 

 

Sinamaan ko sya ng tingin pero parang wala lang sa kanya.

 

 

"che"

 

 

"wiwiwiwiwiwiw~ mga hyung! Okay na! Hintayin na lang natin!" biglang pasok ni Sehun na may hawak na bubble tea. Bumili nanaman ng bubble tea ang hayop.

 

 

"tara na!" nauna na sila Luhan, Suho, Kyungsoo, Lay, at Tao kanina sa leisure room. Sila Sehun at Chanyeol yung tumawag para magpa-deliver.

 

 

Sabay sabay kaming lahat pumunta don. At ang mga pan gerls dyan, pan gerls don, tilian. Kaya ikaw naman, takip tenga. Nagulat na lang ako ng may mga kamay na humawak sa dalawang kamay ko na nakatakip sa tenga ko. Tiningnan ko naman kung sino.

 

 

"mabait ako at gwapo alam ko" sabi ni Kai at patuloy lang sa paglalakad.

 

 

"kdie" inirapan ko sya at hinayaan lang na nakatakip yung kamay nya. Ang laking tulong nya hohohoho.

 

 

Pagdating sa leisure room, pumunta agad ako sa favorite pwesto ko dun. Pero bago pa man ako makapunta na don, andun na si Sehun. Walangya tong bulol na to.

 

 

"hoy ako dyan!"

 

 

"nauna ako" -Sehun

 

 

"eeehhh! Pwesto ko yan!" pagpupumilit ako. Aba, eh ako naman talaga dyan.

 

 

"share tayo. Ayoko na umalith dito"

 

 

"share?! Iisang upuan lang yan!"

 

 

Ti-nap nya bigla yung lap nya sabay sabing, "dito"

 

 

Muntik na kong mabilaukan sa sinabi ni Sehun. "ayoko nga! Bahala ka dyan!" tumalikod na ko at pumunta na lang kila Luhan.

 

 

"oy babae--ay, lalaki!" tawag ko kay Luhan. Normal lang talaga sakin ang sumigaw.

 

 

"bakit?" pag naririnig ko talaga ang mahinahon nyang boses inaantok ako.

 

 

"pagsabihan mo nga si Sehun, inagawan ako ng pwesto" nag-pout ako.

 

 

"dito ka na lang sa tabi ko. Hayaan mo na sya"

 

 

At dahil no choice, umupo na lang nga ako sa tabi ni Luhan at sumandal sa kanya. (A/N: ganyan ka ka-close sa kanila. Oo, maswerte ka!)

 

***


Nung dismissal time, nakita ko uli si Myungsoo. Omygee. Hindi ko alam gagawin ko alam nyo ba yon. .

 

 

"hoy puta Kai! Anong gagawin ko?! Maganda na ba ko?!" pabulong na sigaw ko kay Kai na kasalukuyang nasa tabi ko. At ang hayop, naka-poker face lang saken.

 

 

"para san ba yang ginagawa mo?" 

 

 

"tungaw! Si Kim Myungsoo oh! Ayan! Nasa labas ng classroom! Keleg mets. Crush ko yan ano ba" inayos ko pa yung buhok ko habang sumusulyap sulyap sa labas ng classroom.

 

 

"bakla naman yan eh" bulong ni Kai pero dahil matalas ang pandinig ko, narinig ko syempre!

 

 

"ano pa si Baekhyun?! Hmp" inirapan ko sya. Inayos ko muna yung strap ng bag ko bago unti-unting lumabas ng classroom.

 

 

"uuwi ka mag-isa?" napatigil ako sa paglalakad.

 

 

"hinde. Dadaan lang. Magpapa-pansin lang. Ang tagal nyo kasi eh. Babalik din ako agad. Dyan lang oh" tinuro ko kay Minseok yung harapan kung nasan sila Myung *-*

 

 

Slow motion akong naglakad at hinihintay na mag-hi man lang sya o kahit na sino sa mga kaibigan nya. Jusko. Sungyeol! Woohyun! Dongwoo! Sunggyu! Sungjong! Hoya! Ampota. MYUNGSOO! ISANG HI LANG!

 

 

"maganda din yung Jenny sa special class di ba? Lahat nang babaeng andun maganda" gumalaw-galaw ang tenga ko na parang rabbit. Narinig ko ang pangalan ko. Omo. JENNY DAW DI BA?!

 

 

"yung kasama lagi ng EXO? Hula ko syota nyon yung isa dun" ang boses ni Hoya emeghed.

 

 

"sya yun di ba?" napatalikod ako nang nakita ko gamit ang peripheral vision ko na nakatingin silang lahat sa direksyon ko.

 

 

LILIGAWAN ATA NILA AKO SABAY-SABAY. JUSKO JUGIGO. *sampal sa sarili* Ilusyonada ka.

 

 

"excuse me" naramdaman ko ang pagkulbit sa balikat. Oh no. Boses yun ni Woohyun!

 

 

Unti unti akong lumingon at nagbigay ng awkward smile. Wag sana nila mahalata na nagpapa-pansin lang akoooo!

 

 

"Jenny di ba?" tanong nya. Jusko jugigo. Wag mong palalapitin sakin si Myung! Hihimatayin ako!

 

 

"ah o-oo" puta wag kang mabulol ngayon Jenny! Stay strong! Kaya yan ng puso mo! Fighting!

 

 

"ang cute mo hahahaha. Myungsoo! Halika na dito! Dumamoves ka na!" nakita ko ang paglihis ng muka ni Myungsoo.

 

 

"ano po bang meron?" pa-humble ako kunyare. TAE. DUMAMOVES DAW?!

 

 

"crush ka nun eh" diretsong sagot nya.

 

 

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Crush ka nun eh. DEPUTA. SI MYUNGSOO BA?! Lumakas yung kabog ng dibdib ko. Tae. Kras ako nun?! Sinong nun?! Kung pwede lang hilahin ang kwelyo nito ni Woohyun at tanungin sya ng pagalit kung sinong NUN?!

 

 

"Jenny uwi na tayo" bigla na lang may umakbay sakin at sinabay sa paglalakad. WTF. Kumunot ang noo ko.

 

 

"Kaiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii" sigaw ko nang andun na kami sa labas ng school building.

 

 

"ano?" casual na tanong nya na parang wala syang ginawa. Chance ko na yun para makilala si Myungsoo! Para makausap sya!

 

 

"ewan ko sayo! Bwiset! Wag mo kong kausapin!" nag-martsa ako paalis. Nakakainis talaga. GRRRRRR

 


A/N: HELLO you HAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHHAHAHAHA  SARREH SA KA-CORNYHAN KO LMFAO

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
allyssaloves #1
Chapter 4: Update soon...
KpopAddict28 #2
Chapter 1: Grabe yung kina tao,Kris at suho kawawa si suho tinawag na maliit LOL
joannakylaverano #3
Chapter 2: ang ganda ng story super gusto ko ng isa pls....ang ganda kasi eh :)