I'll (Pur)Sue You

Please Subscribe to read further chapters

Description

Mga struggles ni Joohyun bilang isang pre-law, PolSci, student at ang kanyang quest para magka-jowa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Foreword

**Sabog mga author neto (2 kami eh gago lang no). 

DISCLAIMER:

Kung madali kang ma-offend wag mo na basahin kasi nga sabog mga author neto baka ma-offend ka sa ibang jokes, pero kung mahal mo SeulRene de gora ka lang bahala ka na malaki ka na siguro. 

 


Bata pa lang si Joohyun ay gusto na niyang maging isang lawyer; taas ng pangarap ng ate ninyo eh no. At hindi lang yung parang mga nagnonotaryo sa may Quiapo, NO, di ganun. Pangarap nya kasi talagang makatayo sa loob ng isang court room at mambasag ng mga tao ay este magtanggol ng mga naapi. Naging life goal na niya ito, gusto niyang magtanggol ng mga magsasakang pinagdadamutan ng lupa, ng mga babae at batang naabuso, at ng kung sino sino pang mga naapi. Bagay rin naman kasi sa kanyang personality, palaban at walang inuurungan si Joohyun, basta alam nyang naagrabyado siya at nasa tama siya di siya natatakot kahit si Incredible Hulk pa yan.

Balak niya kasing palitan si Dr. Persida V. Rueda-Acosta bilang chief ng PAO, bilib na bilib kasi siya dito pag nanunuod sya ng Face to Face *chants PULA PULA PULA PUTI PUTI PUTI* dati, bet na bet nya kaya yun. Kaya naman eto siya ngayon at kumukuha ng kanyang pre-law course at dahil bida bida ang ate ninyo Political Science ang kanyang kinuha dahil halos lahat ng nagbabalak mag-law ay eto ang kinukuha bilang pre-law course.

Excited pa sya mag-college nun eh, aba di lang dahil sa pag-aaral dahil syempre new school new me siya. Excited siya makameet ng new people, at hopefully love life, gusto niya na sanang mahanap ang ka-forever niya sa college. At dahil pangarap nga ni Joohyun na maging lawyer ang gusto niya ring maging ka-forever ay isang lawyer. Dream niya kasi na sila nung future hubby nya ang maglalaban sa korte diba. Kaya umaasa siyang hopefully matatagpuan niya si future hubby sa PolSci (tapos sabay silang magl-law school, tapos sabay silang magrereview para sa bar, tapos sabay silang maghihintay ng pangalan nila sa LED board sa UST, oo ganyan siya kahanda, na-plano na niya future niya with the hypothetical future hubby).

Pero di akalain ng ate gurl ninyo na ganito ang haharapin niyang paghihirap para maabot ang kanyang mga pangarap. Di lang siya stressed, haggard na nga ang beauty niya di pa siya makakita ng lovelife, anuna Joohyun.

 

Sabi nga sa case ni Wassmer v. Velez (G.R. No. L-20089; December 26, 1964)

This case started with dreams and hopes, followed by appropriate planning and serious endeavors, but terminated in frustration.

 

Baka tuluyan ng matulad si ate Joohyuna kay ateng Beatriz Wassmer na nasira ang mga pangarap. Sawi na nga sa grades sawi pa rin sa pag-ibig, pano na lang ang mga pangrap ni Joohyuna

Pero lahat ng iyan ay nagbago ng siya ay tumungtong sa kanyang 4th year in college. Dahil kahit papaano ay baka matupad naman ang isa sa kanyang mga pangarap (baka may kulang nga lang pero kahit na). Pero dahil marami pa ring asungot, mukhang di lang human rights ang kailangang ipaglaban ni ate Joohyun ninyo.

 

primafacie
So yun po, yung bold na J's po sa texts nila ay mga smiley yun (ayaw basahin ni aff). Edited na siya. Sorry for the confusion.

Comments

You must be logged in to comment
yulliseek #1
Miss ko na ‘to omg huhu miss you, author 😭
svblimehysterix
#2
Chapter 1: namiss ko bigla yung sintang paaralan, buti di pa ako naka-encounter ng upuan na may surot tuwing may klase kami sa main huhu
svblimehysterix
#3
Chapter 1: BAT NGAYON KO LANG TO NADISCOVER PAKENING SHET FAMI KONG TAWA HAHAHAHA
Wintojiman
#4
Binabalik-balikan ko to. Otor beke nemen heheh
Wintojiman
#5
Update? Heheh
heesica10 #6
Chapter 9: author baka naman
LiNiLalisa1502
#7
Chapter 10: Dami kong tawa dito. Salamat author! Nawala stress ko :)
yulliseek #8
Chapter 10: Na-miss ko ‘to :((( anygay, congrats mga authornim!
penguminari_
#9
Chapter 10: I've missed this
milliebobeleven
#10
Chapter 1: tangina PUP ba 'to mga tol yung atmosphere kasi e ramdam na ramdam ko (ay waw daming alam ni ate gurl)