Fast Break Through Your Heart

Description

 

 

 

*GENDERBENDER STORY*

SooRi x TaeNy x YoonSun x HyoHyun

 

 

 

Foreword

 

 

 

Pangatlong linggo na ng septyembre nang magsimulang maglagas ang mga punuan. Hindi niya maintindihan kung bakit ang daming natutuwa sa tuwing nagsisimula ang Spring Season. Natutuwa ba sila dahil na mamatay ang mga punuan? Tsaka nakakapagod mag linis ng bakuran tuwing Spring dahil pagkatapos mong mamulot ng dahon maya-maya may mga dahon nanaman nagkalat. Kaya hindi niya talaga maintindihan kung bakit gustong-gusto ng mga tao ang Spring.

 

Tulad ng mga punuan tuwing Spring Season unti-unti rin siya namamatay. Araw-araw siyang malungkot. Palagi kasi siyang binabasted noong nasa Junior High pa siya. Kung may girlfriend naman siya ay hindi siya nito sineseryoso. Naalala niya ang babaeng huling bumasted sa kanya na si Ahn Sohee na kasulukuyang nagaaral sa JYP High, gustong-gusto niya talaga ito dahil napakamabait, mahinhin, maalaga at higit sa lahat maganda ito.

 

Ang buong akala niya ganon rin ang nararamdaman para sa kanya ng dalaga dahil napakabait nito sa kanya ngunit may boyfriend na pala ito at magiisang taon na pala sila magkarelasyon. Tinago lang nila ang relasyon nila para hindi mawalan ng fangirls ang boyfriend niyang sikat na basketball player sa eskwelahan nila, sa JYP High. Kaya hindi niya maiwasan sumiklab sa sobrang galit pag naririnig niya ang salitang Basketball dahil naalala niya ang sakit na dinanas niya mula sa dati niyang nililigawan.

 

"Hanggang kailan ka ba magmumokmok, Soo?" tanong ng kaibigan niya na si Suho habang tinatapik ang balikat niya. Mahigit tatlong buwan ang tanda ni Sooyoung kay Suho ngunit hindi siya nagpapatawag ng hyung rito.

 

 

"Sooyoung ilang linggo ka ng ganyan." nagaalalang wika ng isa pa niyang kaibigan na si Xiumin ang pinakamakulit sa kanilang magkakaibigan.

 

Nakatingin parin siya sa kawalan tila walang naririnig. Kahit siya hindi niya alam kung hanggang kailan siya magiging ganyan. Isa lang ang alam niya, hindi na siya masaya sa buhay niya. Binaon niya ang kanyang mukha sa bisig niya tsaka pumikit sinubukan niyang matulog nalang muna habang hinihintay mag ring ang school bell. Maaga kasi siyang pumasok dahil hindi siya makatulog.

 

"Sooyoung oppa, pasensya ka na kung hindi ko nasabi sa iyo ng mas maaga pero matagal na kaming may relasyon ni Taecyeon oppa." napabuntong-hininga nalang ang binata ng maalala ang sinabi ng dalaga.

 

"Aish Soo. Iniisip mo parin ba si Sohee-ssi?" inosenteng tanong ni Jonghyun ang pinakapasaway at takaw-away sa kanilang magkakaibigan. Ang kaibigan niyang pinakapasaway.

 

"Yah baliw ka ba?! Bakit mo pa binanggit ang pangalan niya?!" bulong ni Suho ang pinakaseryoso sa kanilang magkakaibigan, habang tinitingnan ito ng masama.

 

"Pasensya na, nawala sa isip ko." natatarantang sagot ni Jonghyun.

 

Dahan-dahan inangat ng binata ang kanyang ulo tsaka tumayo habang madilim ang ekspresyon ng mukha nito. Kahit hindi nito sabihin ay bakas na sa mukha nito ang galit. Laking gulat nila ng salpukin ng binata ang noo niya sa ang noo ni Jonghyun. Lumagpak si Jonghyun sa sahig habang nakahawak sa noo niya. Napadaing ito sa sobrang sakit.

 

"Oh anong napala mo? Nagsalita ka pa kasi." puna ni Minho ang pinakabata at playboy sa kanilang magkakaibigan habang tinutulongan tumayo si Jonghyun.

 

"Wag niyo nga ako ginugulo." malamig niya na tugon. "Pabayaan niyo na nga ako."

 

"Pwede ba yun? Magkaibigan tayo, Soo. Dadamayan ka namin pag hindi ka okay." malumanay na wika ni Xiumin.

 

"Oo nga, hyung." halos sabay na sagot ni Minho at Suho.

 

"Sa tingin mo pare anong magandang regalo para sa kaibigan kong may sakit?" narinig niya naguusap ang dalawa niyang kaklase mula sa hindi kalayuan.

 

"Fruit Basket pare, diba ganon naman talaga ang binibigay pag nagkakasakit ang kaibigan mo?" sagot ng kausap nito na kaklase niya.

 

"Basketball?!" bulong ng binata habang nakatitig sa desk niya.

 

Tumayo siya tsaka nilapitan ang dalawang niyang kaklase na naguusap malapit sa kanila madilim ang ekspresyon ng mukha, natakot ang dalawang lalaking kaklase niya ng makita siya Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ng kaklase niyang nagsabing basket tsaka sinalpuk ang noo niya sa noo ng kaklase niya ng lumagpak ito ay bumalik ang binata sa upuan niya na parang walang nangyari tsaka bumuntong-hininga nanaman.

 

"Alam mo ba anong ibig sabihin ng salitang english na casket?" narinig niya mula sa gilid.

 

"Basket?!" bulong ulit ng binata.

 

Agad nanaman uminit ang ulo niya. Tiningnan niya ang ang may-ari ng boses tsaka nilapitan ito. Nagtaka ang kaklase niya ng hawakan siya ng binata sa magkabilang pisngi nito tsaka sinalpuk ang noo niya sa noo nito tsaka iniwan ito. Naglakad palabas ng classroom ang binata, malalim parin ang iniisip niya agad sumunod si Xiumin, Suho, Minho at Jonghyun.

 

"Hay.. Si Ok Taecyeon ng JYP Tigers pala ang boyfriend niya ha. Mahilig pala sa basketball ang boyfriend ni Sohee, napakaisip-bata naman. Ayuko talaga sa larong basketball na yan." sa isip ng binata tsaka kinuyom ang kanyang dalawang kamay habang nakatitig sa sahig.

 

"Jeogiyo? Mahilig ka ba maglaro ng basketball?" boses ng isang babae mula sa likuran niya.

 

"Nako. Lagot na.." sabay-sabay na sabi ni Xiumin, Suho, Minho at Jonghyun habang nakasilip sa pintuan.

 

Nagaapoy nanaman siya sa sobrang galit ng marinig niya ang salitang Basketball. Hinarap na niya ito para tapunan ito ng suntok ng makita niya ang mukha ng dalaga. Agad nagkunwari nagkamot ng ulo ang binata habang nakangiti. Namumula ang pisngi niya dahil ang napakaganda nito. Mahaba ang buhok, matangos ang ilong, medyo tanned ang kutis nito at kulay pink ang labi. Nakasuot ito ng itim blazer at kulay puti na ribbon, ibig sabihin isa ito second year. Iba't-iba kasi itsura ng uniform ng bawat antas. Ang first year sa babae puting blazer at puting ribbon habang sa lalaki naman puting blazer at kulay puti na necktie, ang second year naman ang pangbabae kulay itim na blazer at kulay puti na ribbon habang pang lalaki naman ay kulay itim na blazer at kulay puti na necktie at ang panghuli ang third year sa babae kulay itim ang blazer nila at kulay itim na necktie habang sa lalaki naman ay kulay itim na blazer at kulay itim rin na necktie. Isa pala itong sunbaenim.

 

"Naglalaro ka ba ng Basketball?" tanong ulit ng dalaga.

 

"A-Ako?" nauutal na tanong ng binata.

 

"Grabe ang tangkad mo, mukhang mas matangkad ka pa kay Taeyeon oppa." ani nito habang bumubungisngis, sinusukat ng dalaga height ng binata.

 

"Kilala niyo ba kung sinong Taeyeon?" tanong ni Minho habang nakasilip parin sa pintuan.

 

"Hindi ko kilala.." sabay-sabay na sagot ni Jonghyun, Suho at Xiumin habang umiiling.

 

"Ang haba ng mga biyas at braso mo, siguro basketball player ka!" puna ng dalaga habang hinahawakan ang braso niya.

 

"Aba syempre naman mahilig nga ako sa larong basketball! Sports minded kaya ako!" pagsisinungaling ng binata. Sa totoo lang ayaw na ayaw niya yung tumatakbo dahil ayaw na ayaw niya ang pakiramdam na pinagpapawisan.

 

"Ako nga pala si Kwon Yuri, ang manager ng SM Bears. Napadaan lang ako dito dahil pinuntahan ko ang kababata kong kapatid." nilahad nito ang kanyang kamay sa binata.

 

"Choi Sooyoung ang pinakasports-minded sa first year!" pagmamayabang ng binata kahit hindi naman totoo.

 

"Gusto mo bang sumali sa basketball team namin, Sooyoung-ssi?" masiglang tanong ng dalaga habang nakangiti ng maluwang.

 

 

 

 

colleenorcullo
I don't know what to do now .. RIP Kim Jonghyun .. :'c

Comments

You must be logged in to comment
itsmecarylann
#1
Chapter 3: Ah mah gah tawang-tawa ako kay Sooyoung ee
jaekwons
#2
omg adaptation ba ito ng slam dunk?? hahaha, cute