Ninakaw mo ang Kokoro ko.

Description

/TAGALOG/ FLUFF/ 

Hindi naman sa lahat ng oras pwedeng kalma ka lang sa isang lugar, minsan talaga may dumarating para inisin ka or inisin ka lalo.

Oneshot lang 'to wag ka mag-alala.

Foreword

Isa na namang makabuluhang araw para sa isa nating bida.Hindi niya lubos maisip na talagang wala talagang kwenta ang kanyang kapatid.Eh sa trentang load lamang ang hinihingi niya hindi pa siya mabigyan. 

''Tangna mo, pag ako nakauwi ibibigti kita.Diba gusto mo na mamatay, eh sa mabait naman akong kuya.Dapat tulungan kita.Kahit wala ka ng iambag na effort!'' halos mahibang ang mga pasaherong kanyang kasama sa dyip.Pero hindi niya ito binigyang pansin.Ang kailangan niya ngayon load.Putapeteng load! May kailangan kasi siyang i-txt na katrabaho ngunit ang kanyang magiting na kapatid ay ayaw umalis sa kanyang higaan.

At dahil sa huling sentimo ng kanyang balanse nagawa niyang maitxt ang kanyang kapatid na tawagan siya.Kailangan niya kasi talaga ng load.

''Kuya ayoko, nauubos allowance ko dahil sayo.Matuto kang magbayad pag inuutusan mo ako!'' huminga siya ng malalim at napatigil ang dyip.

''Trenta lang naman hinihingi ko! Sugapa kang bata ka! Pag nakasahod ako babayaran kita!'' sigaw niya ulit at may naramdaman siyang tumabi sa kanya.Puta ang baho sino ba yun.Sa pag-iisip niya ngunit hindi naman iyon ang magiging dahilan para sa iba niya ituon ang atensyon niya.Napaurong siya paharap dahil sa mabaho niyang katabi.

''Kuya.Sinong niloko mo? Kelan ka pa sasahod? Sa isang taon pa!'' at sa pangalawang pagkakataon huminga siya ng malalim.Hindi para kumalma kundi para bumwelo sa mga sasabihin niya.

''Ikaw pipitsuging bata ka.Pag ako nakasahod may interest pa ang ibabayad ko sayo.Bilis na lodan mo na ako!'' sambit niya at narinig niyang sumisigaw ang kapatid sa kabilang linya.

''Hoy holdap 'to.'' isang hindi pamilyar na boses ang kanyang narinig.Tiningnan niya kung saan nanggagaling iyon.Katabi niya pala ang may dahil.Halos lahat ng nakasakay dahang-dahang bumaba at hindi man lang ito pinansin ng holdaper.At ang nakakagulat pa pati driver inabando ang kanyang dyip.Sa unang tingin hindi mo aakalain na mangho-holdap ang katulad niyang may presentableng damit at may dala pang pang-opisinang bag.Siguro pati yun nakaw sa pag-iisip ng ating isang bida.

Hindi niya na lamang ito pinansin at tinuloy ang pangungulit sa kanyang kapatid.Mahalaga kasi ang itatanong niya sa kanyang katrabaho.May bago daw kasing salta may bago daw silang boss.Kaya gusto niyang itanong kung ano ba ang ugali ng kanilang bagong boss para makapaghanda niya.Sabi nga nila 'First Impression Last.'' ang unang naisip niya, akala niya lust yun pala last!

''Ayoko nga,ang tanga tanga mo kasi kuya bawat oras trenta? Matuto kang magregister!'' ito pa rin ba ang nginangawa ng kanyang kapatid?! At kailangan narin pala niyang lumipat ng dyip.Naglaho yung driver eh. ''Hoy holdap nga 'to.''

''Gago.'' yun na lamang ang nasabi niya at nagulat yung holdaper.

''Paano ako matutotong magregister eh lagi kang busy sa gurlpren mong mukhang bakla?!'' nakarinig siya ng mahinang mura sa kabilang linya na nakapagtaas sa kanyang dugo.

Isama mo pa ang paulit-ulit na boses sa kanyang tabi.Puro holdap 'to!

''Tigilan mo ako! BISMOD AKO! BISMOD!'' sabay baba niya ng dyip.

Kung may tukso layuan mo ako.

Meron ding malas layuan mo ako.

SAD LIFE! JEJEJE.

---

 

 

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet