El Filibusterismo Hugot

Kabanata 23

 At diyan mo lang malaman na huli ka na sa lahat nang sinabi niya sa iyo na namatay na ang mahal mo. Patay na siya! Ang lahat  ng pinaghirapan mo ay nawala. Gusto mong palayain at magkaroon ng magabdang buhay kasama ang iyong kasintahan pero siyay kinuha na sa maykapal. Binawi na ang pamilya mo, binawi na ang pagkatao mo't kaya ika'y nagpanggap ng ibang anyo at tao, ngayon, pati ang babaeng mahal mo? Pati ba siya ay kukunin galing sa iyo? Ginawa mo na ang lahat para makuha siya ngunit ikay mabigo lamang dahil sa isang sakit. Isang sakit sa katawan ni Maria ay nag-iwan ng lubhang sakit sa puso't pagkatao ni Simoun. Kaya mo bang mabuhay na wala na siya ? Kaya mo bang mabuhay na alam mo na ang taong mahal mo ay namatay na hindi man lang alam na bumalik ka galing sa katayan upang maging isa kasama sa kanya?Ano ba ang kasalanan na nangyari upang itong kaypait ng buhay ay matikim ni Simoun?

 

#elfili

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet